Tuesday, March 28, 2017



SA PAMILIHAN NG PUSO
Jose Corazon de Jesus

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig dahil sa ganda
ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.

Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag ibig ay nadadaya…

Kung ika’y iibig ay yaong gusto mo
at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.

Kung ikaw’y masawi’y sawi kang talaga
Ikaw na suminta
Ang siyang magbata;
Kung maging mapalad, higit ka sa iba.

Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
Di upang magtubo
Kaya sumusuyo
Pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.



Ang uri ng tulang ito ay malayang taludturan kung saan walang sukat at tugma. Ating susuriin kung ano talaga ang ibig ipahiwatig ng tula sa atin. Ang tulang ito ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus.

Si Jose Corazon de Jesus o kilala sa tawag na Huseng Batute ay isinilang noong Nobyembre 22, 1896 sa Sta. Cruz, Manila. Sya ay sumulat ng mga tula upang maipahayag ang kagustuhan na maging malaya ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Noong Marso 28, 1924, siya ang naging pangunahing manunulat sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila. Tinawag si Jose Corazon de Jesus na Huseng Batute sa Pilipinas ng umarte siya pelikulang Oriental Blood.

Sa una at ikalawang taludtud ng tula ay ipinahahayag nito ang mga pisikal na aspeto na kalimitan una nating nanapansin sa araw-araw. Ang kauna-unahang binigyang diin ay ng huwag umibig ng dahil sa pilak o huwag kang iibig na ang kayamanan lamang ang iyong habol dahil darating din ang panahon na ito’y mawawala at sasabay sa ihip ng hangin. Ang isa naman ay ang iibig ka ng dahil lang sa kagandahan, dahil ang kagandahan ay hindi pang matagalan o pang habang-buhay. Ang kagandahan ay kukupas din pagdating ng panahon kaya hindi dapat itoo gawing basehan kunng ikaw’y papasok sa larangan ng pag-ibig.

Ang pangatlo at ikaapa’t na saknong ay magka-ugnay patungkol sa pag-ibig na nagsisilbing aliwan o isang katuwaan lamang. Kapag ikaw ay pumasok sa isang relasyon dapat mong isa alang-alang ang damdamin o nararamdaman ng bawat isa. At kung ikaw’y iibig doon ka sa taong mahal mo at mahal ka upang lumigaya.

At ang pang ika-lima at ika-anim na saknong ang patungkol naman sa mga kabigo’an na naranasang kasawian sa pag-ibig. Hindi mo dapat isipin na sa lahat ng panahon ikaw’y masaktan. Mayroong pag-ibig ngunit sa di tamang panahon at tamang panahon ngunit di tamang pag-ibig. Mararanasan natin ang masaktan, madapa at ito ang magiging lakas natin upang bumangon at maipahayag natin na kaya natin.

3 comments: